Sunday, August 31, 2014
kape
A cup of coffee is always good when I am with you.
It was really glad to see you again.
I've realized how much I miss you.
Memories flashed back.
I've felt happiness.
But I wish I had the strength
to hug you...
I was adamant to take a picture with you. Good thing
kuya Barista was able to take a picture of us.
after 2 months, I was able to see you again.......
Aug242014
Tagaytay
Beantage Cafe
Thursday, August 21, 2014
Trip mo, trip ko, Trip nating Dalawa
Ilang araw na lang Hongkong trip na natin.
Alam ko hindi ko pinapakita na excited ako pero kung alam mo lang...
Sa mga nakalipas na buwan, ito na lang yung nagbibigay sa akin ng motivation.
Na sa wakas makakasama muli kita.
Mukha ka namang masaya na, alam ko hindi mo na ako kailangan.
Maaaring may iba nang nagpapasaya sayo.
Nais kong malaman mo na mahal pa rin kita.
Umaasa pa rin ako na pwede pang bumalik sa dati at mapagpatuloy ang dapat
mangyari. Pag-asa na lang ang pinaghahawakan ko.
Siguro moved on ka na. Hindi naman kasi napakalaki ng impact ko sa buhay mo.
Sino nga ba naman ako?
Pero ako, hindi pa rin. Siguro dahil ako ang iniwan kaya hirap ako.
Iniwan at umaasa pa ring may babalik.
Hindi ko alam ang gagawin ko pagdating ng araw ng pag-alis natin.
Ang tanging nasa isip ko lang ay yun yung pagkakataon ko na makasama ka muli.
Pagkakataon na ibibigay mo sa akin para patunayan sayo na karapat-dapat ako
sa pagmamahal mo. Alam ko mukha na kong baliw pero mahal pa rin kita.
MAHAL NA MAHAL.
Alam ko hindi ko naipakita at naibigay ang lahat ng kaya ko sa iyo.
Sana sa tatlong araw na iyon, bigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita sayo.
Kahit sa tatlong araw na iyon.
Gusto ko alagaan at mapasaya ka.
Gusto ko namnamin yung pagkakataon na kasama kita.
Kasi hindi ko alam baka yun na rin yung huling pagsasama nating dalawa.
Sana may tapang ako na ipakita yun sa iyo at hindi mo ko ireject.
Nasa sa iyo pa rin ang huling desisyon. Alam ko tinatapos mo na ang lahat ng anuman sa atin dati pa.
Pero hindi ko pa rin kayang tanggapin. Gusto ko sa harap ko mismo at manggaling sa bibig mo ang mga
sasabihin mo.
Naniniwala pa rin ako. Nananalig pa rin ako. Naniniwala ako sa pangalawang pagkakataon kung panghihilutan mo.
AYOKO PA RIN SUMUKO.
Hindi na ko makapaghintay. Sana maenjoy natin ang paglalakbay.
"Let's enjoy the trip, let's enjoy what we have and see what will happen". galing sayo yan.


Subscribe to:
Comments (Atom)
